Welcome to my tUrF!



Just a note:
"this is my domain so I can do anything here! If you don't like me, close the window.. otherwise, enjoy your stay. if I f*cked up with spelling and/or grammar.. ain't perfect" ;)

SALUDO AKO SA SUMULAT NITO,TAMA LAHAT NG SINABI!!!!
Saturday, March 11

ito pong entry na ito ay forward po sa akin ng isang kaibigan... basahin nyo po.

Ako ay isang middle class pinoy, isang empleyado sa
isang malaking korporasyon at may asawa...dalawa
anak. Di na
importante pangalan ko kasi parepareho naman tayong
mga middle-class....trabaho 9-5, inom konti tapos
uwi sa pamilya, laruin si baby, itutor si ate/kuya
tapos tulog na, pag wala
na pera intay nalang ng sweldo.

Sa nangyayari ngayon sa ating bansa, lahat nalang
ng sector ay maingay at
naririnig, tayo lang mga middle-class, tax paying
at productive Pinoys ang
di naririnig. Subalit, buwis natin ang nagpapaikot
sa bansang ito. Pag may mga gulo na nangyayari,
tayo ang tinatamaan.
Kaya eto ang liham ko sa
lahat ng maiingay na sector na sana makagising sa
inyong bulag na pag-iisip.

Sa Mga Politiko:

- diyos ko naman, sa dami na nang nakurakot ninyo
di na ba kayo makuntento
kelangan nyo pa ba manggulo.

Sa Administrasyon:

- hayan ayus na ha pinatawad na namin ang pandaraya
nyo sa eleksyon, pruweba dito e di kami umaatend sa
mga panawagan ng
people power, kaya sana
naman gantihan nyo kami ng magandang serbisyo at
magaling na pamumuno at
malaking bawas sa kurakot naman please para kahit
papano maramdaman
naman namin na may napupuntahan ang binabayad naming
buwis.
- saka Madam GMA, step down ka na pag parliamentary
na tayo sa 2007, tignan mo, i-announce mo mag-step
down ka kapag
parliamentary na tayo, resounding
YES yan sa plebiscite at tigil pa ang mga coup at
people power laban sayo.
Try mo lang.........

Sa Oposisyon:

- di nyo pa ba nakikita na dalawang klase lang ng
tao ang nakikinig sa
inyo....isa ay bayaran na mahihirap kungdi man ay
tangang mga excited na
reporter na parang naka-shabu lagi....mga praning e
at naghahallucinate.

- Bago man lang kayo maglunsad ng kilos laban sa
administrasyon, pumili
muna kayo ng magiting at nararapat na ipapalit sa
liderato ngayon.
Hirap
sa inyo paresign kayo ng paresign wala naman kayo
ipapalit na maayos.
Advise lang galing sa isang middle-class na syang
tunay na puwersa sa
likod ng lahat ng matagumpay na People Power,
magpakita
muna kayo ng galling bago
nyo batuhin ang administrasyon. Wala na kaming
narinig sa inyo kundi reklamo, e wala naman kayong
ginagawa kundi
magreklamo....para kayong
batang lagi na lang naaagawan ng laruan.....GROW UP
naman...sa isip sa salita at sa gawa.

- please lang gasgas na rin ang pagrarally nyo na
katabi nyo ay mga
bayaran na mahihirap, magtayo nalang kayo ng negosyo
at
iempleyo ang mga rallyista
para maging productive silang mamamayan. Sige nga,
pag nagrarally kayo
yakapin nyo nga at halikan yang mga kasama nyong
nagrarally!! Nung People Power namin nagyayakapan
kami lahat nuon.

- Wala naman mangyayari sa mga rally nyo
nakakatraffic lang, kami pang
middle-class ang napeperwisyo. Di nyo kayang
paghintayin ng 3 araw ang
mga rallyista nyo kasi kelangan nyo pakainin at
swelduhan ang mga yan. Kung
gusto nyo tagumpay na People Power kami ang isama
nyo....pero pagod na kami
e, sori ha.

Sa Military:

Alam nyo lahat tayo may problema, pati US Army may
problema, 2,000 plus na
patay sa kanila sa Iraq na parang walang rason
naman, pero nakita nyo ba
sila nagreklamo? Wala diba kasi professional sila
na sundalo.....yan dapat
ang sundalo di nagtatanong sumusunod lang. Kasi
may mga bagay na di kayang
maintindihan ng indibidwal lamang, at ang mga
nakatataas lang ang nakakaintindi ng kabuuan, kaya
ito ang panuntunan
ng lahat ng military ng
lahat ng bansa. Pero parang military natin yata
ang pinaka-mareklamo.
Sabi nga sa Spiderman "with great power comes great
responsibility".....kaya maging spiderman kayo
lahat at protektahan ang
mamamayan. Sa totoo lang natatakot kami kapag
nagrereklamo kayo, kasi may
baril kayo at tangke, kami wala.

Wala ako comment sa mga mahihirap, di naman kasi
sila maingay na kusa e,
may bayad ang ingay nila. Saka wala rin naman sila
email.

Kaya paano na tayong mga middle-class?? Eto
hanggang email nalang tayo kaya
ikalat nyo na ito at magdasal tayo na umabot ito sa
mga dapat makabasa nito
at makiliti naman ang kanilang mga konsyensya.



Signed,

Isang Middle-Class pinoy na walang puknat na
binabawasan ang sweldo ng
Buwis!


Full stop at
12:16 PM

[P]rofiles

"the devil and me, we dont agree, i hate him... and he hates me."



JONGZKI


Weird.
Strange.
Odd.
Just like you.

May 13 500 B.C.
Tauros

FLoEtIcS pLayLisTs


[E]xits



cArmiNa

meLa

nadz.freakz.


Open for x-change Links...

to my frnd links b4 ill try to find you guyz sorry i lost my previous codes.
[S]hout box



[C]redits


Design & Concept: ChronoCube
Base Codes: effloresce & wishix
Font: dafont
File storage: Fileden
Image hosted by: Photobucket
Comments hosted by: Haloscan
Powered by: Blogger
Brushes: Ca-pris
Software Used: Photoshop CS 2 & Dreamweaver 8
[A]rchives
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
June 2007
July 2007
December 2007